Muling magbubukas ang telon ng sining at kultura!
Bilang pakikiisa ng Central Luzon State University sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining, halina't saksihan ang makulay at grandiyosong palabas ng CLSU Cultural Affairs Office (CAO)—ang 𝗦𝗮𝘆𝗮𝘄, 𝗠𝘂𝘀𝗶𝗸𝗮, 𝗢𝗯𝗿𝗮, 𝗮𝘁 𝗧𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗿𝗶-𝗦𝗮𝗿𝗶 (SAMOT-SARI) Cultural Show.
Tampok ang CLSU Bithay Sining Dance Company and Rondalla, CLSU Maestro Singers, Tanghalang Gagalaw sa CLSU, CLSU PiGuRa, CLSU Band, at CLSU Combo sa ika-28 ng Pebrero, ganap na ika-6:30 ng hapon, na gaganapin sa University Auditorium.
Sa huling araw ng Buwan ng Sining, sama-sama nating bigyang-pugay ang mayamang sining at kultura ng Pilipinas at ipamalas ang ating pag-ibig sa mga pamanang samot-sari.
Kita-kits, Sielesyuans!